Kabanata 100
Kailangan kong aminin na hindi dapat minamaliit si Levy. Isa siya sa pinakamagaling na mambubuno na kilala ko pero kung sa tingin ni G. Huang kaya ko na, kailangan kong magtiwala sa kanya. Alam kong malayo pa ang training ko pero malay mo, makakabuti pa nga 'to sa akin. Matuto mula sa mga pagkakamali ko, ika nga.
Kaso lang, hindi maganda kung ma-i-injured ako bago ang kompetisyon kasi kailangan kong magtrabaho para umakyat sa bracket para makalaban yung kuya nung lalaking sinaktan ko. Nalulungkot talaga ako para sa kanya.
Nung iniisip ko siya, napaisip ako kung anong mangyayari kung hinanap ko agad siya at humingi ng tawad noon. Magiging ganito pa rin ba ang resulta? Pagbabantaan pa rin ba ako nung psycho na 'yun?
Siguro isa akong bitch sa paningin niya pero naiisip ko kung gaano kahirap para sa kanya. Pagkakita ko sa kanya kasama yung mga bata nung isang araw, hindi na ako sigurado kung ganun siya kasama. At least, hindi siya kasing sama ni Dom.
Ayaw ni Dom ng mga bata kahit nung mga bata pa kami. Dapat nakita ko na yung mga senyales.
Walang nagawa yung sariwang hangin sa labas para pagaanin ang loob ko. Yung iniisip ko yung dalawang suspek na pwedeng may kinalaman sa pagka-injured ni Adam, nabubuwang ako. Hindi pa rin ako kumbinsido na aksidente lang talaga. I mean, pagkatapos nung nangyari sa kapatid ko? Sino ang makapagsasabi na hindi inulit ni Dom yung trick?
Sigurado ako siya yung nag-brainwash kay Adam, eh.
Tapos yung psycho na kuya? Binantaan ako bago pa naaksidente si Adam. Hindi pwedeng nagkataon lang 'yun.
Siguro makakabuti rin kung magpapuyat ako. Masarap ilabas yung galit ko sa isang laban. Matagal na rin.
Alam kong ang sabi, huwag makipag-away kung hindi malinaw ang ulo pero seriously? Pwede ko pang gamitin ang dagdag na lakas dito. Lalaban ako sa isang kaibigan at kailangan ko ng konting kalokohan sa sistema ko ngayon. Pwede ko nang isipin ang mga consequences pagkatapos kong manalo.
Dumating agad ang tanghali at totoo sa kanyang sinabi, bumalik si Klovski sa cabin, katatapos ko lang mag-warm up. Si Levy nasa likod niya, nakasimangot. Ramdam ko na may taong hindi ganun ka-happy sa arrangement na 'to. Nakakainis pero wala akong magagawa. Kailangan kong gawin 'to para kay G. Huang at pagkatapos ng lahat ng ginawa niya para sa akin, 'yun na lang ang pwede kong gawin.
Uy, maging honest ka na lang sa sarili mo, gusto mo lang talaga subukan na makipaglaban kay Levy. Naalala mo yung panahon na sumali siya sa tumatawang crowd nung laban na sinubukan mong paawayin yung sexist na hinayupak?
Okay, kailangan kong aminin na may karapatan siyang tumawa. Kung hindi ako yung nakikipag-usap sa sexist na anak ng chimp, tatawa rin ako. Pero ngayon, ang konsensya ko ay sinusubukang gunitain ang bawat nakakainis na alaala ko kay Levy na isang kumpletong t*nga. Sana makatulong 'to na tanggalin ang pagdadalawang isip ko sa paglaban sa kanya.
"Magsisimula na ba tayo o ano?" sigaw ni Klovski na hindi na makapaghintay habang ako ay nagtatama ng tayo. Papasok na sana ako sa cabin para sunduin si G. Huang pero naunahan niya ako sa paglabas ng maliit na lodge.
"Pagiging matiyaga ay isang kabutihan, Klovski. Makakatulong sayo kung matatandaan mo 'yan." Gusto kong tumawa kung gaano kamukha ni G. Huang ang mga Asian Kung Fu master pero kinagat ko na lang ang labi ko. Walang makakapigil sa pagtaas ng mga labi ko. Tumingin ako palayo sa kanila para hindi nila ako makitang tumatawa ng walang tunog bago bumalik sa walang ekspresyong mukha. Alam kong napaka-dorky ko tingnan sa kahit sino na nakakita sa ginawa ko pero wala akong magawa. Nasa dugo ko na ang pagiging kakaiba at quirky. Kung may mas magandang timing lang sana, sana pwede.
"Tama na, tapusin na natin 'to." galit na sigaw ni Klovski.
Dude, chill. Tayo-tayo lang naman dito, hindi isang militar na hukbo. Hakuna yo tatas, bitch.
Yung iniisip na sabihin 'yun kay Klovski ang naging dahilan para tumawa ulit ako sa lalamunan ko at this time, napansin ni Levy, nagtaas ng kilay sa pagtataka.
Walang pwedeng makaalam kung ano ang pinagsasabi ng konsensya ko o baka ipadala ako sa mental institution. Hindi naman convenient 'yun considering everything that's been going on, di ba?
Maya-maya, nagkaharap na kami ni Levy, mukhang kinakabahan at balisa rin siya na magsimula pero nang lumayo si Klovski at sumenyas na magsimula na kami sa laban, tumingin ako diretso sa mata ni Levy.
Inisip ko yung mga tanong na nagpapuyat sa akin kagabi sa mga mata niya. Hindi na ako nagtanong kay G. Huang tungkol kay Levy dahil kung isa talaga siyang spy na ipinadala ng grupo ni Quentin, walang ibang makakaalam kundi ang mga tao mula sa grupo niya.
Hindi ako mapalagay sa tagal ng pagtitig ko sa kanyang mga mata. Siguro dahil sa paranoia ko pero bigla kong naramdaman na may hindi mababasa sa kanyang mga mata. Para bang mayroong laging nandiyan pero hindi ko napapansin dati.
Pwede bang isang spy talaga si Levy?
Itinaboy ko yung kalokohang pag-iisip nung nakita ko yung pamilyar na kalokohan sa kanyang mga mata. Si Levy ang pinag-uusapan natin. Hindi naman sapat ang talino ng malaking doofus para maging isang spy.
"Handa ka na ba?" Tanong niya sa mahinang boses, siguro sinusubukang iwasan na mapagalitan ng kanyang coach o kung ano. Nagkibit-balikat ako, nag-fighting stance.
"Handa ako kapag handa ka na."
Ngumisi si Levy at tinaasan ako ng kilay. "Walang samaan ng loob dito, ah?"
"Oh, balak kong bilangin bawat suntok at magagalit ako sa bawat pasa." Isang ngisi ang nagawa sa bibig ko habang tinapos ko ang aking pangungusap at lumuluhod para itumba ang kanyang mga paa.
Tumalon siya, umiwas sa pag-ikot ng paa ko, at umiling. Humakbang siya paatras at nagsimulang umikot sa akin.
'Siguradong magiging interesante 'to.' Iniisip ko sa sarili ko habang ang kanyang mukha ay naging walang emosyon katulad ng naramdaman ko na nawalan ng lahat ng katatawanan.
Oh, game na.