Kabanata 2
Binitawan ko 'yung kulay brown kong buhok tulad ng dati at sinuot 'yung luma kong hoodie sa taas ng t-shirt at pantalon ko. Kinuha ko 'yung bag ko sa sulok sa tabi ng pintuan ng kwarto ko, bumaba ako ng hagdan at naglakad papuntang kusina para kumuha ng mabilisang waffle at magpaalam sa mga magulang ko bago umalis papuntang eskwelahan.
'Di naman kalayuan, mga 15 minuto lang ako nakatira at kaya pang tiisin kapag may earphones sa tenga mo. In-shuffle ko 'yung kanta ko at nagsimulang maglakad. Natatakpan ng mga ulap 'yung araw ngayon at medyo mahangin, salamat naman. Grabe, muntik na akong mamatay sa dehydration nung isang araw.
Pagkakita ko ng gate ng eskwelahan, may 5 minuto pa ako para kunin 'yung gamit ko sa locker at pumunta sa klase. Nagmadali ako, dumating ako sakto pagtunog ng bell. Dumiretso agad ako sa upuan ko, sa tabi mismo ng bintana na nakaharap sa field ng eskwelahan.
'Di naman maliit 'yung school. Lumaki ako dito sa bayan na 'to. Buong edukasyon ko sa iisang eskwelahan lang ako nag-aral. May Montessori, elementary, junior high at high school, kumpleto na nga. Pagkatapos tumingin sa iisang mukha, iisang mesa, mga hall at mga teacher sa loob ng 16 na taon, nakakabagot na rin.
'Di pa man umaabot ng isang minuto, pumasok na 'yung homeroom teacher ko. Nasa late 30's na siya pero palagi siyang nakangiti habang kinakausap kami. Si G. Thompson isa sa mga pinakamagaling na teacher na kaya i-offer ng eskwelahan at okay lang sa akin 'yun.
"Magandang umaga, klase! May lilipat na estudyante ngayon at sana tanggapin niyo siya ng maayos sa komunidad ng eskwelahan." 'Di na nga ako nag-abalang tumingin. Nag-gugush 'yung mga babae sa bagong estudyante at 'yung mga lalaki naman binabati siya ng mabilis, maikli at mayabang na ngiti, sapat na 'yun para malaman ko na isa na naman siyang magiging miyembro ng sikat na grupo, na ang ibig sabihin ay isa na naman akong bubully-hin. Yehey!
'Yung bakanteng upuan kasi, sa tabi ko pa talaga kaya inilayo ko 'yung upuan ko mula roon ng palihim, pagkatapos may tunog na kumamot 'yung upuan sa tabi ko habang hinihila ng bagong estudyante. Ah, galing! Ayos na ayos!
Sinamaan ko ng tingin 'yung mesa pero natauhan ako nang may tumawa sa tabi ko.
"Anong ginawa sa'yo ng mesa?" Tanong ng malalim na boses.
Nakalimutan kong bumalik sa pagiging nerdy ko at nakawala 'yung ilang salitang reckless, "Mas sa hindi niya ginawa." Bulong ko habang nakakuyom ang ngipin.
"Adam nga pala." Nagpakilala 'yung bagong estudyante habang nanahimik lang ako at nakayuko. 'Di ko siya hahayaang maapektuhan ako. Sikat na siya pagtunog ng bell kaya 'di ako magiging interesado sa kanya.
Pagkatapos ng ilang minuto, nagdesisyon siyang basagin 'yung katahimikan, "At ikaw?"
"Nerd." Sabi ko lang sa kanya.
Tumawa siya ng mahina bago niya narealize na seryoso ako at nagmukhang simangot. "Hindi pwede 'yun." Bulong niya sa akin.
Nagkibit-balikat ako, "'Yun 'yung tawag sa akin ng mga tao kaya kumapit na lang."
"Okay, ano tawag sa'yo ng mga kaibigan mo?" "Freak."
"Ay, naku." Umungol siya.
Sinubukan kong pigilan 'yung labi ko na magtaas pero 'di ako nagtagumpay at nakita niya 'yung kaunting pagbabago na 'yun at siyempre kailangan niyang mambola.
"Dapat mas madalas kang ngumiti, bagay sa'yo."
Napaikot 'yung mata ko nang narinig ko 'yung cheezy na linya. Yeah right. Nice try. Grabe, sana may gumawa ng pabor sa akin at batukan siya.
Nagpatuloy 'yung klase ng matagal habang inuulit ni G. Thompson 'yung mga lesson noong nakaraang linggo at nagdesisyon akong mag-doodle at syempre, 'di pa man nakaka-isang minuto, may mga tuta at rosas na may mga baging na puno ng tinik na tumakip sa sulok ng notebook ko.
Tumunog 'yung bell at tinakbuhan ko na 'yung pintuan bago pa man makapagsalita 'yung bagong estudyante. Hawak ko 'yung strap ng bag ko gamit 'yung isang kamay at 'yung isa hawak 'yung notebook ko, kumaripas ako ng takbo palabas doon na parang baliw para maiwasan 'yung mga hindi kinakailangang pag-uusap. 'Di ko siya nakita ng maayos pero wala akong pake. 'Di ko na siya makikita pa.
'Ang laki ng pagkakamali ko.