Kabanata 22
Kinakagat ko 'yung pisngi ko sa loob habang patuloy ako sa pagsasalita at hindi ko namamalayan, iniabot ko 'yung kamay ko para alisin 'yung mga hibla ng buhok sa mukha ko tapos nagulat ako kasi basa 'yung pisngi ko, basa ng mga luha na tumutulo na sa mukha ko.
"Nung nangyari 'yung aksidente, tulog ako tapos ginising niya ako para balaan ako pero bago ako natulog, nag-aaway kami kung sino 'yung mas magaling mag-drive. Siya naman talaga 'yung mas magaling mag-drive pero parang gusto niyang patunayan 'yung sarili niya at nagawa niya."' Cold 'yung ngiti ko habang naalala ko 'yung mga nangyari nung gabing 'yun.
"Pinatunayan niya 'yung sarili niya. Pwede sana siyang lumabas sa aksidenteng 'yun na walang galos pero sa halip, inuna niya 'yung kaligtasan ko bago 'yung kanya at 'yun 'yung kinitil sa buhay niya." Pumikit ako habang niyayakap ko 'yung sarili ko at pinipigilan 'yung pag-iyak.
"Nung nangyari 'yung aksidente, inilayo niya 'yung side ng pasahero sa truck at itinapon niya 'yung katawan niya sa ibabaw ko para protektahan ako sa aksidente." Nanginginig 'yung katawan ko habang pinipigilan ko 'yung gusto kong sumigaw at saktan 'yung sarili ko.
Kailangan kong huminga ng malalim para pakalmahin 'yung sarili ko at naramdaman kong may mga kamay na yumakap sa katawan ko at init na bumalot sa akin habang hinihila ako papunta sa yakap.
"Namatay siya para protektahan ako," humihikbi ako habang iniisip ko 'yung mahal kong kapatid.
"'Yun 'yung gusto niya. Namatay siyang bayani. Namatay siya na pinoprotektahan 'yung kapatid niya. Kung ako siya at nasa panganib 'yung kapatid ko, gagawin ko rin 'yung ganun nang hindi na nag-iisip. Kung bibigyan siya ng pagpipilian kung paano siya mamamatay, sigurado akong wala na siyang ibang pipiliin. Mahal ka niya, Case. 'Yun 'yung pinaka-importante. Minahal ka niya ng sobra para isakripisyo 'yung buhay niya para sa'yo." Pinagaan ni Adam 'yung loob ko habang binubulong niya 'to para pagaanin 'yung loob ko.
Nakakatawa, mas lalo akong umiyak at tumalikod ako, umiyak sa damit niya, tinatanggap 'yung pag-aliw na ino-offer niya sa akin.
"Katawan niya- Pagkatapos ng aksidente, nakita ko 'yung katawan niya na duguan at sira, hindi na maayos. Ayoko na isakripisyo niya 'yung buhay niya para sa akin, gusto ko buhay siya at nandiyan siya para sa akin tuwing kailangan ko siyang pakalmahin, para kausapin ako, para pagalitan ako sa mga pangit kong ugali na pagmumura. Gusto ko nandito siya kasama ko."
Alam kong makasarili 'yung sinasabi ko pero walang komento si Adam habang nilalabas ko lahat. Nakaupo lang siya doon, nanatiling nakayakap sa akin at nag-uumpisa ng bilog sa likod ko at ipinatong 'yung baba niya sa tuktok ng ulo ko.
Sa kalaunan, tumigil na ako sa pag-iyak at kahit namamaga at namumula 'yung mata ko, nginitian ako ni Adam at inipit 'yung isang hibla ng buhok sa likod ng tenga ko. Gumalaw 'yung kamay niya sa pisngi ko at hinaplos 'yun, nakatingin pa rin sa mata ko at tinitigan ko siya.
Isang segundo bago, 5 inches 'yung layo niya. Isang segundo pagkatapos, isang inch na lang. Natigilan ako at umatras 'yung ulo ko.
Umatras ako papunta sa puwesto ko sa couch, lumalayo ng maayos. Nararamdaman ko 'yung pisngi ko na nag-iinit, namumula 'yung mukha ko sa isiping kung gaano kalapit 'yung mga mukha namin at tahimik na nagmura sa sarili ko na hindi ko hahayaang mangyari 'yun ulit.
May kamay na humawak sa akin at hinila ako palayo sa couch at patayo. Tumingala ako at nakita ko 'yung mainit na ngiti ni Adam. "Tara, pumunta tayo sa ibang lugar."
Tiningnan ko siya na naguguluhan, "Sige..." nag-alinlangan ako, hinayaan ko siyang gabayan ako sa bike niya at sumunod sa kanya palabas ng warehouse. Kinuha niya 'yung bike at sumakay.
Isinuot ko 'yung helmet, inihagis 'yung isang paa sa bike at ipinatong 'yung mga paa ko sa footrest. Humawak ako sa jacket niya habang 'yung bike gumagalaw pasulong.
Dumating kami sa parang damuhan pagkatapos ng 15 minutong biyahe at isa pang sampung minuto ng paglalakad sa isang manipis na gubat. Hinangaan ko 'yung tanawin sa harap ko. Para bang tumapak lang ako sa isang fairytale book. Lahat sobrang ganda at walang bakas na iniwan ng tao.
Magaganda 'yung mga lambak sa ilalim ng burol at 'yung berdeng parang damuhan. Kumakaway at naglalaro 'yung mga bulaklak habang dumadaan 'yung hangin at binabati sila.
Tinitigan ko 'yung tanawin sa harap ko, natuwa sa isang pagka-akit ng kalikasan mismo; lumilipad 'yung mga puting dandelion, nakasakay sa hangin. Natigilan ako sa trance ko sa ikalawang napagtanto kong sumusulong ako at nawalan ng balanse habang nagtatakbuhan 'yung mga braso ko. Tumama 'yung katawan ko sa hindi pantay na lupa tapos gumulong sa gilid ng burol. Tawa ni Adam na nasa likod ko.
Sa wakas, tumigil 'yung paggulong at hinawakan ko 'yung ulo ko sa mga kamay ko sinusubukang pigilan 'yung mundo sa pag-ikot sa paligid ko. Umiling ako, sinusubukang tanggalin 'yung pagkahilo at tumingin sa likod para makita si Adam na naglalakad papalapit sa akin na kalmado.
Muli kong kinuha 'yung oras para hangaan 'yung paligid ko, bumagsak ako sa damo. Naramdaman ko 'yung mga talim na kumikiliti sa balat ko, 'yung maitim kong buhok na nakalatag sa ilalim ko. Asul 'yung langit at pinanood ko habang dumadaan 'yung mga ulap, sinusubukang malaman kung anong hugis 'yung pwede nilang matulad.
Nakarinig ako ng mahinang kalabog sa tabi ko at nilingon ko 'yung ulo ko para silipin si Adam na nakasandal sa mga braso niya para tumingin sa kalangitan.
Isang kawan ng ibon ang lumipad sa amin, nag-iingayan sa isa't isa at sa ibabaw ng mga pakpak nila, narinig ko siyang nagsimulang magsalita.
"Nahanap ko 'yung lugar na 'to isang linggo na ang nakalipas nung sinusubukan kong linisin 'yung isip ko."
Itinaas ko 'yung kilay ko sa kanyang sinabi at hinarap ko siya. Inalis ko 'yung tingin ko sa kalangitan at pinahinto ko 'yung isip ko sa pag-appreciate sa ganda na Kalikasan.
Sumimangot ako nang sa wakas napansin ko 'yung malalim na eyebags sa ilalim ng mata niya at kung paano nakausli 'yung buhok niya sa lahat ng lugar. Malapad 'yung mga mata niya na may itsura na ligaw.
"Anong nangyari, Adam?" Nagkaroon ng pag-aalala sa boses ko at nagulat ako kung gaano ako nag-aalala.
"Nanay ko," huminto siya, parang nasasaktan siya kahit na isipin siya. "Na-diagnose siya na may sakit sa bato at hindi maganda ang kalagayan sa pinansyal ng pamilya namin sa ngayon," bumulong siya na may hirap at agad kong nalaman na malala 'yun.
Hindi ko nakita ng maayos 'yung nanay niya nung nakaraang araw pero napansin ko 'yung parang may mali sa kanya at kung gaano siya kaputla. Nakakabilib kung paano siya nanatiling masaya kahit na na-diagnose siya na may sakit sa bato.
Sa isang kurap ng mata, alam kong nagkaroon ako ng respeto sa babae. Matapang talaga siya.
Nagulat ko 'yung sarili ko at si Adam sa kung ano 'yung ginawa ko pagkatapos dahil honestly hindi ko pinlano na gawin 'yun. Spontaneous 'yung ginawa ko pero nung ginawa ko 'yun, naramdaman kong tumibok 'yung puso ko.
Niyakap ko siya nang walang pag-aalinlangan.
Isang matapang na kilos mula sa isang katulad ko pero hindi ko masasabi na pinagsisihan ko 'yung ginawa ko. Pinapalakas ko 'yung loob ng kaibigan at wala ng iba pa.
Nanigas si Adam sa paghipo ko pero sa kalaunan nag-relax 'yung mga kalamnan niya at natumba 'yung buong katawan niya, umaasa sa maliit kong katawan para sa suporta.
"Magiging okay lang ang lahat. Magiging okay lang ang lahat." Bulong ko.
Mag-iisip ako ng paraan para tulungan ka, Adam. Nangangako ako.