Kabanata 97
Bumukas yung pinto nang may malakas na kalampag, ginising ako mula sa pagka-tulala ko. Yung dalawang gago tulog mantika pa rin pero wala akong reklamo. Mas kaunti ang trabaho, mas masaya si Cassandra. Baka maging mabait si Happy Cassandra. Pero, sa pagtingin ko sa mukha ni Levy na medyo lasing pa, kumulo na naman ang dugo niya. Kung anuman ang atraso ng kaibigan niya kay G. Huang, dapat hindi na siya nakisali nung nalaman niyang madadamay ako.
Tinignan ni G. Huang yung mga lalaking nakatali nang walang pakialam at naglakad papasok sa loob ng bahay. May dala siyang basket na puno ng prutas at parang karne. Saglit lang, nawala sa isip ko si Levy at tumulo laway ko sa pag-iisip ng karne. Hindi ko alam kung gaano ako nag-crave na kumain ng kung ano hanggang sa nakita ko yung mga prutas na dinala niya.
Hindi man lang pumasok sa isip ko na parang kalmado masyado si G. Huang nung nakita niya yung mga nakataling tanga hanggang sa bandang huli. I mean, come on, dalawang tao na nakatali sa living space mo, ang normal na reaksyon eh sisigaw ka na para kang baliw.
Well, baka hindi ka sisigaw kung isa kang propesyonal na fighter. Malamang hahatiin mo sila sa kalahati gamit yung mga kamay mo o kung ano. Nakikita ko talaga na kaya ni G. Huang gawin yun. Dinala niya yung mga pinamili niya sa kusina at kahit gusto ko siyang sundan, hindi ako komportable na iwanan yung dalawa na walang nagbabantay; kahit gaano ako ka-kumpiyansa sa skills ko sa pagtali ng lubid. Kaya hinintay ko siyang bumalik.
Si G. Huang ay isa sa mga taong napakabait sa iba at bihira magalit. Talagang pasensyoso lang siya. Pero kapag sumabog na siya, sabi ng kapatid ko dati na kahit si Cerberus ititiklop yung buntot niya sa pagitan ng mga binti niya at tatakbo palayo. Hindi ko akalaing mabubuhay ako para makita yung araw na yun dahil sa isolated living circumstances ni G. Huang.
Bumalik siya mula sa kusina, walang ekspresyon ang mukha niya, natakot ako ng sobra. Hindi ko gusto na hindi ako makabasa ng tao. Naging magaling ako dun simula nung bata pa ako. Mula sa mga ekspresyon ng mukha, sinubukan kong turuan ang sarili ko na mapansin yung mga pagbabago sa body language ng mga tao na pwedeng magbigay ng clue kung ano yung gagawin ng tao o kung ano yung nararamdaman nila.
Si G. Huang, though, hindi madaling basahin. Ang facial expression niya nagra-range sa pagiging mamamatay-tao at kalmado. Hindi ko masabi kung ano yung gagawin niya pero yung nakuha ko sa mga nakaraang karanasan ay isa siyang ticking time bomb.
Pwedeng sumabog siya anytime ngayon o mamaya, hindi ko naramdaman pero hindi nagtagal, nakuha ko na yung sagot ko.
May malakas na kalabog mula sa balat na dumampi sa balat, sa wakas nagising na si Levy mula sa pagtulog niya. Sa isang paraan, nakahinga ako ng maluwag na si G. Huang muna ang nanakit sa kanya. Sigurado ako na hindi ko kaya na ako mismo ang manakit sa kanya.
Kung anuman yung mga pagkakamali na nagawa niya, kaibigan ko siya.
Mas ako pa yung masasaktan kaysa sa kanya. Hindi sana magiging magandang karanasan yun para matagalan.
May ungol na lumabas mula sa kaibigan ni Levy nung nagbigay si G. Huang ng mahusay na sipa sa katawan ng lalaki. Alam kong kailangan niya ng sobrang self-control para hindi lumabas yung paa niya na nagdudugo sa loob yung lalaki.
"Dalhan mo ako ng tubig na may yelo." Utos ni G. Huang nang hindi inaalis yung tingin sa 2 lalaking nakahandusay. Hinayaan kong dalhin ako ng mga paa ko sa ref at kinuha yung pitsel ng napakalamig na tubig.
Inabot ko kay G. Huang at mabilis akong umatras, dumistansya para safe kung sakaling naubos na niya yung self-control niya. Sana hindi mangyari pero walang masama kung maghahanda ka sa pinakamasama.
Walang pag-aatubili, binuhos ni G. Huang yung laman ng pitsel sa dalawang lalaking nakatali na agad na bumalik yung malay nila sa pamamagitan ng sunod-sunod na hingal at pag-ubo. Nakita ko yung katawan nila na nanginginig ng husto at halos nararamdaman ko yung paraan ng pagtulo ng malamig na likido sa mga damit nila at sa balat nila.
Hindi ko kayang isipin na gumising ng ganun. Nakikita ko yung katawan nila na nanginginig na nagge-generate ng init pero wala silang magawa kundi manginig dahil nakatali pa rin sila ng lubid. Lumuhod si G. Huang para pantayan sila at hinawakan yung kwelyo ng estranghero. "Bakit ka pumunta? Akala ko naiintindihan mo yung ibig kong sabihin na ayaw na kitang makita kahit kailan."
Ang lalaki ay may sapat na katangahan para pilitin na mag-chuckle sa pamamagitan ng mabigat niyang paghinga. Kung susubukan niyang umalis, mas lalong kikiskis yung lubid sa balat niya kaysa sa nangyari na. Hindi kailangang sakit na pagdadaanan.
"At sigurado ako na umalis ako na may pangako na babalik ako dito at babasagin yung pwet mo, matanda. Hawak ko lang yung pangakong yun." Lumipat yung tingin niya sa akin. Tumayo si G. Huang at hinarangan yung paningin ng estranghero sa akin.
"Sigurado ako na hindi pa tayo nagpapakilala, binibini. Halika na, wag kang mahiya." May pagiging tuso sa tono niya na nagpa-ingat sa akin.
"Anong gusto mo, Klovski?" Huminga ng malalim si G. Huang habang tinitignan yung dalawang lalaking nakatali sa bahay niya na naiirita.
Napatawa si Klovski at umiling siya na parang nagpapanggap na disappointed.
"Nung narinig ko na may bumibisita sa 'yo, naalala ko na matagal na rin simula nung dumalaw ako sa 'yo. Kaya, naisip ko na bakit hindi. Alam mo kung ano yung gusto ko, matanda." Nag-iba ang labi niya at naging isang ngisi.
Gumawa si G. Huang ng tunog ng hindi pagsang-ayon mula sa lalamunan niya.
"Well hindi mo makukuha yun." Sabi ni G. Huang na walang pakialam. Kinuyom ko at binitawan yung mga kamao ko, sinusubukang pigilan yung tiyan ko na tuloy-tuloy na kumukulo. Ang pagkabalisa ay isang malaking understatment sa nararamdaman ko.
Isang beses pa, parang naramdaman ni Klovski yung problema ko at ibinaling yung focus niya sa akin.
"Sabihin mo nga, dalagita; bakit parang pamilyar ka sa akin?" Ang huling babala ni G. Huang ay umalingawngaw sa buong bahay habang sinigawan niya yung lalaki na tumahimik.
"Ano? Natatakot na hindi siya sasama?" Ang paghamon sa tono niya ay malinaw at nakakairita. Sino siya sa tingin niya, na nagpapakitang makapangyarihan?